Hanging amihan patuloy na nakakaapekto sa buong bansa

(Eagle News) — Patuloy pa ring nararamdaman sa buong bansa ang malamig na panahon dahil sa pag-ihip ng northeast monsoon o hanging amihan.

At dahil pa rin sa epekto ng amihan, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Bicol Region, mga lalawigan ng Aurora at Quezon, Eastern Visayas at buong Mindanao ngayong araw.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay maalinsangang panahon na may posibilidad ng mga pulo-pulong mahihinang pag-ulan ang mararanasan.

Nakataas naman ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Eastern Coast ng Cagayan, Isabela, Aurora, Camarines Provinces, Catanduanes, Eastern Coast ng Albay, Sorsogon, Quezon kasama ang Polillo Island at ang Northern at Eastern Samar.

Ayon sa Philipine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), wala pang namamataang sama ng panahon na maaaring makaapekto sa bansa sa susunod na tatlong araw.