Gilas Pilipinas at Team France, maghaharap mamaya

Mamaya na ang pinaka-aabangang laban sa pagitan ng pambansang koponan na Gilas Pilipinas kontra naman sa powerhouse team na France para sa 2016 Olympic qualifying tournament.

Batay sa ulat, tatangkain umanong makuha  ng Gilas Pilipinas ang nasabing laban upang hindi umabot sa do-or-die game kontra naman sa koponan ng New Zealand.

Sinasabing mistulang dadaan sa butas ng karayom ang pambansang koponan lalu na’t anim sa mga manlalaro ng France ay kasalukuyan at dating NBA player tulad nina NBA star Tony Parker at Boris Diaw ng San Antonio Spurs.