Gerphil Flores, may gagawing concert sa Feb. 11 & 12

 

Naghahanda na para sa kaniyang nalalapit ng solo concert ang Asia’s Got Talent 2nd-runner up na si Geraldine “Gerphil” Flores.

Ang kaniyang concert ay pinangalanang “Tales of Love” na nakatakdang ganapin sa Solaire Theatre sa darating na dalawang gabi ng February 11 at 12.

Nagsimula ang career ni Gerphil sa mainstream music ng mapabilang siya sa mga finalist ng kauna-unahang Asia’s Got Talent noong nakaraang taon. Sa kumpetisyon na ito, tinagurian siyang ‘Asia’s golden girl”. Pagbalik nya dito sa Pilipinas, iba’t-ibang mga proyekto na ang inihain sa kaniya at isa na nga dito ang nalalapit niyang concert.

Sa concert na ito, marami siyang ipapakitang mga genre maliban sa nakagiliwan natin sa kaniya na pag-awit ng mga opera songs. Bukod sa kaniyang concert busy na din si Gerphil para sa pag-rerecord ng kaniyang debut album.

Pagkatapos ng kaniyang concert, magkakaroon din sila ng show kasama ang kaniyang naging mentor na si David Foster sa iba’t ibang lugar sa Asia.

At aasahan pa natin ang maraming mga proyekto mula sa Asia’s golden girl.