FOI sa executive department, epektibo na

Epektibo na ngayong araw ang pagpapatupad ng Executive Order no.2 ni Pangulong Rodrigo Duterte o mas kilala bilang Freedom of Information (FOI) sa sangay ng Ehekutibo.
Kasunod nito, inilunsad na rin ng Malacañang ang electronic site ng FOI kung saan makikita ang mga dokumento at impormasyong kailangan o nais malaman ng publiko.
Gayunman, naglabas din ng listahan ang palasyo sa 9 na exemptions o mga impormasyon at dokumento na hindi maaaring isapubliko.
Kabilang dito ang mga confidential files na patungkol sa mga Government Agencies, Prejudicial Premature Disclosure, Record of Court Proceedings at ang mga impormasyong may kinalaman sa banking and finance laws at iba pa na saklaw ng itinatadhana ng batas.
https://www.youtube.com/watch?v=j4LFfDZyBdw