(Eagle News) – Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang draft ng Executive Order na lilikha ng Office of the Press Secretary.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, dumaan na sa opisina ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang EO.
Sakaling malagdaan na ang EO, malulusaw na ang Presidential Communications Office (PCOO) at papalitan ng Office of the Press Secretary.
Kasabay nito, pinabulaanan ni Andanar na si dating congressman Gilbert Remulla ang napipisil ni Pangulong Duterte na maging secretary.
Ayon kay Andanar, wala lang abiso ang Pangulo kung sino ang magiging Press Secretary.
Gayunman, sinabi ni Andanar na welcome naman sa kanya kung si Remulla ang maging Press Secretary.
Kwalipikado naman aniya si Remulla sa pwesto lalo’t dati na siyang mamamahayag at nagtapos pa sa Columbia University sa America.
https://youtu.be/cvbdxq2uXVY





