“Elemento” ni Direk Mark Meily, palabas na sa mga sinehan simula ngayong araw

MANILA, Philippines — Nais nyo ba ng isang horror film ngayong Abril? Inihahandog ng Viva Films ang pelikulang “Elemento” na pagbibidahan ni Christine Reyes. Ito ay sa direksyon ng award winning direktor na si Mark Meily.

First mainstream movie naman ito ng child actor na si Albert Silos na una ng nagpakitang gilas sa pelikulang “Turo-turo”. Sa naganap nitong presscon, nagkaroon tayo ng pagkakataon na makausap ang mga lead cast ng “Elemento”.