“EDSA” pelikula para sa 30th EDSA Revolution Day

MANILA, Philippines– Bilang paggunita sa pagdiriwang ng ika-tatlumpung anibersaryo ng EDSA Revolution Day, isang makabuluhang pelikula ang handog ni Direk Alvin Yapan, ang pelikulang “EDSA.”

Pinangungunahan ito ng mga cast na sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, Haydhen Kho, John Manalo, Lance Raymundo, Sue Prado at Mara Lopez. Present si Direk Alvin Yapan sa special screening nito na naganap sa Cinema 10 ng Megamall at maging ang mga cast nito maliban kina Kris at Haydhen na parehong may taping.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipinalabas sa wide screen ang pelikulang “EDSA”.