EBC blood donation drive, kasalukuyang isinasagawa

(Eagle News) — Kasalukuyang nagsasagawa ang Eagle Broadcasting Corporation ng blood donation drive sa tanggapan nito sa No. 25 Central Avenue Diliman, Quezon City.

Ang nasabing blood donation drive ay bahagi ng EBC Cares (Enabling a Better Community) katuwang ang Philippine Red Cross.

Ang tema ng blood donation drive sa taong ito ay “Dugong Alay, Pandugtong Buhay.”

Ito na ang ikaapat na pagkaktaon na nagsagawa ang Eagle Broadcasting Corporation ng blood donation drive sa ilalim ng prorama nito na EBC Cares.

Inaanyayahan naman ang mga nais na magdonate sapagkat ang nasabing blood donation ay magtatagal hanggang alas kwatro ng hapon (4:00 PM) ngayong araw.

https://youtu.be/lhgUZWibCIw