Duterte inalok si FVR na maging Special Envoy to China

SAN Juan, Philippines (Eagle News) — Inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulong Fidel V. Ramos para maging Special Envoy sa China.

Ang pahayag ay ginawa ng pangulo sa isang testimonial dinner na ginanap sa Club Filipino sa San Juan.

Una rito, nanawagan ang kapatid ni FVR na si Dating Senador at Foreign Relations Committee Chairperson Leticia Ramos-Shahani kay Pangulong Duterte na huwag ibenta ang bansa sa sandaling masimulan na ang negosasyon sa Beijing makaraan ang ruling ng international tribunal sa territorial dispute sa West Philippine Sea.