DOH, magsasagawa ng malawakang pagbakuna dahil sa pagdami ng kaso ng tigdas

(Eagle News) — Magsasagawa ng malawakang immunization ang Department of Health (DOH) sa gitna ng dumaraming kaso ng tigdas.

Layunin ng nasabing hakbang na maprotektahan ang mga komunidad laban sa tigdas.

Tatagal ng isang taon ang massive immunization sa buong bansa, sa lahat ng mga bata at sa mga lugar na may naitalang kaso ng tigdas na isang supplementary immunization activity bilang proteksyon laban sa naturang sakit.

Paliwanag pa ng opisyal, sa kabila ng pagkabahala ng ilang magulang sa mga bakuna dahil sa kontrobersyal na dengvaxia, gagawin nila ang kanilang bahagi para maprotektahan ang publiko sa anumang uri ng sakit.