DLSU pasok sa finals ng UAAP Season 79

by Bob Crisostomo
Pasok na sa finals ng UAAP season 79 ang De La Salle Green Archers matapos talunin ang Adamson Soaring Falcons.
Sa iskor na 69-64, tuluyan ng tinapos ng Archers ang pangarap sana ng Falcons na maka-usad sa finals ngayon taon.
Pinangunahan ni Jeron Teng ang nasabing laban na gumawa ng twenty five points habang nag-dagdag naman si Ben Mbala ng twenty one points, sixteen rebounds at apat na blocks.
Makakaharap ng Green Archers ang mananalo sa final 4 match-up sa pagitan ng Ateneo De Manila University at Far Eastern University kung saan hawak ng Blue Eagles ang twice-to-beat advantage kontra sa defending champion na Tamaraws.

https://youtu.be/C23qDqi7ULo