DISKUSYON – Napoles List ni De Lima

Nagdudulot na ng kalituhan at kaguluhan ang kontrobersyal na Napoles list o tinatawag ngayon na ” Napolist ” kung saan idinadawit ang maraming mambabatas at ilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Aquino sa multi-bilyong Pork Barrel Scam.

Sa paglabas ng iba’t ibang bersyon ng Napoles list, sinabi ni Pangulong Aquino na hindi raw niya papayagang magulo o pabayaang magkalituhan at kalimutan ang usaping ito.

Nais din ng Pangulo na klaruhin kung tutulong ba si Napoles o paguguluhin ang sitwasyon para maubusan ng panahon ang pamahalaan sa paghabol sa mga sangkot sa Pork Barrel Scam.