Direktiba na nag-uutos ng total ban sa “endo” nilagdaan ni DOLE Sec. Bello

(Eagle News) — Nilagdaan na ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang kautusan na nag-uutos ng total ban sa labor-only contracting at maging sa “endo” o end of contract.

Ang Department Order 174 o ang Implementing Rules 106- 109 ng Labor Code ay ipapatupad na ilang buwan matapos ang konsultasyon sa labor at management.

Bahagi ito ng ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na wawakasan na ang illegal contracting at ‘endo.’

Ang DO No. 174 ay naglalayong magbigay ng Security of Tenure para sa mga mangagawa at maging sa mga employer.

Ang nasabing kautusan ay nagbabawal sa pagkakaroon ng kontrata na nag-lilimita ng haba ng employment period ng isang mangagawa.

https://youtu.be/6S0nYw1H2wg