DILG walang anumang excuse na tatanggapin mula sa mga gov’t official na magpopositibo sa drug test

(Eagle News) — Hindi tatanggap ng anumang excuse ang Department of Interior and Local Government (DILG) mula sa mga kawani ng gobyerno na magpopositibo sa drug tests.

Ayon kay Assistant Secretary Rj Echieverri, mahigpit na ipatutupad ang one strike policy ng Dangerous Drugs Board (DDB) na patalsikin sa trabaho ang sinomang empleyadong mapapatunayang gumagamit ng iligal na droga.

“Sorry, it’s the law. You have no excuse. Once you use drugs, derederetso na yan, you’re out,” pahayag ni Echieverrie.

“If you don’t deserve to be part of the government then let others be part of the government. Ibigay sa talagang malilinis para makapagtrabaho,” dagdag pahayag ng opisyal.

Nitong nakaraang buwan ay naglabas ang DDB na direktiba kung saan layong tiyakin na drug-free ang lahat ng tanggapan ng gobyerno.

https://youtu.be/Q2ebFGKwqO8