DILG sa naging suspensyon kay Mayor Cawaling: ‘No one is above the law’

(Eagle News) – Nirerespeto ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpataw ng Office of the Ombudsman ng preventive suspension kay Malay, Aklan Mayor Ciceron Cawaling.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nagpapakita lamang ang naturang hakbang na sinuman ay hindi makahihigit sa batas.

Ang suspensyon ni Cawaling ay bunsod ng mga reklamo dahil sa environmental issues na kinahaharap ng Boracay Island na sakop ng kanyang bayan.

Sinabi ni Año na inirerespeto niya ang desisyon ng Ombudsman bilang isang independent quasi-judicial body.

Dagdag pa ng kalihim, ang kampanya ng kagawaran sa rehabilitasyon ng Boracay ay isang hamon para maipakita ang political will ng mga public officials.

“(It was a test) to enforce national, local laws and ordinances. To show that there is no sacred cow, no one is above the law, and that violation of the law is non-negotiable,” pahayag ng opisyal.