“Di Na Muli” ng Itchyworms, wagi ng grand prize sa PhilPop 2016

Nagwagi sa “PhilPop 2016” ang kantang “Di Na Muli” na ininterpret ng bandang Itchyworms. Likha naman ito nina Jazz Nicolas at Wally Acolola. First runner-up ang kantang “Lahat” na likha ni Soc Villanueva at ininterpret ni Jason Dy. Napiling 2nd runner-up naman ang kantang “Tinatangi” nina Miguel at Paolo Guico na in-interpret nina Bayang Barrios at Cookie Chua. At ang bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng glass tropy na gawa ng national artist na si Mr. Ramon Orlina.

Habang nagwagi naman bilang “People Choice Awards” at nakatanggap ng isangdaang libong piso ang mga awiting “Lahat” at “Tinatangi”. Hinirang din ang tinatangi bilang “Best Music Video” ng PhilPop 2016.