DFA, tiniyak na walang Pilipino ang nadamay sa panibagong pag-atake sa France

MANILA, Philippines (Eagle News) — Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong naapektuhan ng pinakahuling terror attack sa France.

Hinihinalang terorista ang walang habas na namaril sa bahagi ng Carcassone at Trebes na ikinasawi ng tatlo katao at ikinasugat ng labing anim (16) na iba pa.

Kinondena naman ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang nangyaring pag-atake kasabay ng pagpapaabot ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya ng mga biktima at maging sa mga nasugatan.

Ikinokonsidera namang terror act ni French President Emmanuel Macron ang nasabing pag-atake na inako na rin ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria.