DFA: Passport appointments na nakatakda mula Nov. 13-15, maaaring asikasuhin sa Nov. 16-29

(Eagle News) — Hindi na kailangang magpa-reschedule ng passport application o renewal na nakatakda sa November 13 hanggang 15.

Lahat ng appointment sa mga nasabing petsa ay aasikasuhin ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula November 16 hanggang 29.

Bukas ang DFA Consular Offices sa November 18, Sabado mula alas-otso ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon (8:00 AM-4:00 PM) at ang processing fee ay Php 1,200.

Idineklarang special non-working holidays ang mga petsang November 13 hanggang 15 dahil sa gaganaping 31st ASEAN summit.