(Eagle News) — Opisyal nang bahagi ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired Armed Forces Chief General Carlito Galvez Jr.
Nitong Lunes, Enero 7 ay nanumpa na ito kay Pangulong Duterte bilang Presidential Adviser on the Peace Process.
Kasama ni Galvez ang kanyang asawa, mga anak at si Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Kagabi ay dumalo na rin ito sa 33rd monthly cabinet meeting na isinagawa sa presidential palace.
Pinalitan ni Galvez si Jesus Dureza na nag-resign nitong nakaraang Nobyembre sa gitna ng isyu ng korapsyon na kinasasangkutan ng kanya mismong mga tauhan sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.
Si Galvez ay namuno sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ng walong buwan bago magretiro.
https://youtu.be/YGaeRs0mKH8





