(Eagle News) — Iniimbestigahan na ng National Privacy Commission ang detalye ng data breach sa Globe Telecom na nakaapekto sa halos 9,000 prepaid customers nito.
Sinabi ni NPC Commissioner Raymund Liboro na pinayuhan na nila ang mga posibleng naapektuhan ng data breach na i-monitor ang kanilang online at offline accounts.
Pinayuhan din silang magpalit na ng mga password at iba pang identity verification at maging maingat sa mga posibleng phishing attempts.
https://youtu.be/4_2MzJeC3TI





