Dalawa katao, arestado sa drug session sa Quezon City

(Eagle News) – Dalawang lalaking nagpopot session umano ang naaresto ng mga awtoridad sa Quezon City nitong Martes.

Naaresto ang mga construction worker na sina Arjun Reponte, 24 y/o at si Noel Gomez, 45 y/o pasado alas-9 ng umaga nang nahuli sila sa akto na ginagawa ang session sa Capricorn St., Tandang Sora.

Nagpunta ang mga awtoridad sa lugar matapos makatanggap ng tawag ang barangay galing  sa isang concerned citizen patungkol dito.

Ayon sa  concerned citizen, limang tao kasama na ang may-ari ng isang bahay ang nagsasagawa ng pot session kahit masama ang panahon.

Nakatakas ang tatlong kasama ng mga naaresto.

Buwelta naman ni Reponte na hindi sa kaniya galing ang mga nakuha at isang beses lang siya gumamit ng illegal na droga.

Narecover sa mga naaresto ang dalawang kutsilyo, mga paraphernalia, cell phone at pera na nagkakahalaga ng mahigit 500 piso at mga wala nang lamang sachet ng pinaghihinalaang droga.

Samantala ang dalawang nahuli ay itinurn-over sa Quezon City Police District Station 3.

Ang mga nahuli ay hindi din sumuko sa mga isinagawang Oplan Tokhang dahil mga dayo lang sila sa lugar.

Eagle News Service Ian Jasper Ellazar