Dagdag singil sa kuryente, asahan sa Marso

MANILA, Philippines (Eagle News) — Naglabas na ng abiso ang Department of Energy na tataas ng Php 1.20 ang presyo ng kuryente sa bawat kilowatt hour sa buwan ng Marso.

Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni DOE Undersecretary Whimpy Fuentebella na ang dahilan ng pagtaas sa singil sa kuryente ay ang maintenance shutdown ng Malampaya Natural Gas Fields.

Ayon kay Undersecretary Fuetebella, tatagal ng 20 araw ang maintenance shutdown ng Malampaya mula January 28 hanggang February 18.

Inihayag ni Fuentebella na maaapektuhan ng Malampaya shutdown ang ilang electric power plant na gumagamit ng natural gas.

https://youtu.be/iVjIaWq8eAg