Dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, epektibo na

MANILA, Philippines (Eagle News) — Muling nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis.

Simula alas-sais ng umaga (6:00 AM) nitong Martes, Pebrero 27, nagtaas ng P 0.85 centavo sa bawat litro ng diesel ang mga gasolinahan sa bansa, P 0.65 centavo naman ang dagdag sa presyo ng mga gasoline products.

Samantala, P1.15 naman dagdag presyo sa kada litro ng kerosene.

Ang paggalaw pa rin ng presyo ng krudo sa world market ang dahilan ng panibagong oil price increase ngayong linggo. (Eagle News Service)

https://www.youtube.com/watch?v=EPAnG8Hks44&feature=youtu.be