Convicted inmates na napalaya at sumuko, umabot na sa 281, ayon sa PNP

https://youtu.be/lDrEC_nw_fU

(Eagle News) — Umabot na sa 281 na convicted inmates na napalaya sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang kusang loob na sumuko sa iba’t ibang tanggapan ng Philippine National Police sa buong bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen.Bernard Banac, 47 sa mga sumuko ang na-i-turn over na nila sa Bureau of Corrections.

Muli namang umapela ang PNP sa iba pang napalayang convicts na kusang loob nang sumuko, bago matapos ang 15 araw na deadline sa Setyembre 19.

Patuloy rin ang koordinasyon ng PNP sa BuCor para sa opisyal na mga dokumento ng mga napalayang convicts para sa gagawin nilang pagtugis sa mga ito pagkatapos ng deadline.

“Kulang kulang pa rin nga ang mga detalye natin. Nais naming makuha ang lahat ng mga detalye, maging ang mga larawan nila.

Kung ang makukuha kasi natin ay yung noong 20 years ago, ay maaaring hindi na yun ang itsura nila,” paliwanag ni Banac.

“Kailangan namin yung pinakahuling larawan nila nung sila ay ni-release,” dagdag pa niya.