Comelec, wala pang nailistang ‘poll hotspots’ sa bansa

(Eagle News) — Wala pa umanong nai-dedeklarang hotspot ang Commission on Elections (Comelec) sa darating na may 2019 midterm elections.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, hawak pa lamang nila ang listahan ng mga election watch list of areas, kung saan kabilang dito ang mga lugar na pinaniniwalaang mainit ang tunggalian sa pulitika.

Aniya, ang plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL) ang tinututukan sa ngayon ng mga pulisya at militar, kung kaya’t wala pa silang naipapasang listahan ng mga lugar na kinakailangan ang mahigpit na pagbabantay dahil sa mga serye ng karahasan na maiu-ugnay sa halalan.

Ngunit umaasa naman ang poll official na pagkatapos ng bol ay maasikaso na nila ang listahan ng election hotspot para makapaglatag ng security plan.