Claudia Barretto, naglabas ng debut single na “Stay”

Malaki ang pasasalamat ng anak ni Marjorie Barretto na si Claudia Barretto dahil isa na siyang ganap na recording artist.

Noon pa man ay talagang pagkanta na umano  ang hilig ng 17 taong gulang na teen actress.

Ito umano ang isa sa katuparan ng kaniyang mga pangarap na natupad sa pamamagitan ng Universal Records Philippines.

Ang kaniyang debut single na may pamagat na “Stay” ay sinulat at composed ni Moira dela Torre.