Child Haus, isang pelikulang tampok ang mga batang may sakit na cancer

Kilala ang “Child Haus” bilang temporary shelter ng mga batang tinamaan ng malubhang sakit na cancer.

Bukod sa pansamantalang tirahan ay nagbibigay sila ng tulong pinansyal para sa pagpapagamot. Ang “Child Haus” ni Ricky Reyes ay nagsilbing inspirasyon para sa pelikulang ginawa ng BG Productions.

Pinagbidahan ang pelikula ng mga mahuhusay na child actors at actresses na sina Migs Cuaderno, Mona Louise Rey, Therese Malvar, Vincent Magbanua, Erika Yu at Felixia Dizon.