Celebrity stars, dumagsa sa special celebrity screening ng “Kita Kita”

Masasabing tagumpay na naging “Special Celebrity Screening” ng pelikulang “Kita Kita” dahil ibang klaseng suporta ang ibinigay ng mga celebrity stars dito. Ang pelikula ay pinrodyus ng actor ng Spring Films na pinamumunuan nina Piolo Pascual at Bb. Joyce Bernal.

Ang pelikulang “Kita Kita” na pinagbibidahan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez ay dinaluhan ng mga kilalang pangalan sa show business hindi pilit ang tambalang Alempoy, na kung tawagin ay ‘ang loveteam na hindi mo inakala.’

Kabilang sa mga naispatang dumalo sa nasabing screening ay ang mag-asawang Richard Poon at Maricar Reyes, Erik Santos at Angeline Quinto, Yeng Constantino, Xian Lim, Maymay Entrata, Jairus Aquino, Ritz Azul, Maris Racal, Gil Cuerva, Ciara Sotto at Danica Sotto at marami pang iba. At siyempre nanduon din ang anak ni Piolo na si Iñigo Pascual na super supportive sa kanyang tatay.