Public Affairs

APRUB – Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit

Itinatag ito at nairehistro ang Organisasyon ng Pilipinong mang-aawit noong Oktubre 27, 1986. Layon nito na mai-angat ang kalidad ng mga mang-aawit sa bansa maging ang mag-enganyo na suportahan at tangkilikin ng mga kapwa Pilipino ang mga local singers maging ang mga music writers na maipagmamalaki sa labas ng bansa.

APRUB – Health Justice Philippines

Itinatag noong taong 2009 ang Health Justice Philippines. Ito ay upang magkaroon ng kaalaman ang mga Pilipino tungkol sa kalusugan at sa mga batas. Gayundin ang pagkakaroon ng tamang Public Health Policy na saklaw ng mga patakaran ng gobyerno.

APRUB – Land Transportation Franchising and Regulatory Board

Itinatag noong Nobyembre 17, 1902,ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa ilalim ng Department of Technology and Communications. Tungkulin ng ahensyang ito ang pagtataguyod, pangangasiwa, pagpapatupad at pagsubaybay na masunod ang mga patakaran, mga batas, regulasyon at mga serbisyong kailangan sa pampublikong trasportasyon ng mga Pilipino.

APRUB – Blas F. Ople program Center and Training Institute

Ang Blas F. Ople program Center and Training Institute ay itinatag noong August 22, 2004. Ito ay isang nonprofit organization at ipinangalan sa isang dating secretary ng DOLE at ng DFA at nang dati ring senador Blas F. Ople. Ang organisasyong ito ay tumutulong at nagbibigay lunas sa mga problema na hinaharap ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) at ng kanilang mga pamilya na nakararanas ng hirap.

APRUB – Film Academy of the Philippines

Ang Film Academy of the Philippines(FAP) ay naitatag noong Enero 5, 1981. Pangunahin layunin ng academy ang magbigay pugay o parangal ng pagkilala sa masining at mahusay na paggawa at bigyang halaga ang mga hindi matatawarang pelikula ng taon.

APRUB – Junior Confederation of Finance Associations

Ang Junior Confederation of Finance Associations (JCFAP) ay isang umbrella organization na halos 90 na mga unibersidad at kolehiyo sa bansa na mayroong finance organization. Responsibilidad ng JCFAP na siguraduhing ang mga Financial Management students ay makakuha at magkaroon ng kaalaman ukol sa finance education upang magamit sa hinaharap na panahon.