BSP, ilulunsad ang information campaign upang ipakilala ang new generation coin series

(Eagle News) — Maglulunsad ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng nationwide information campaign upang maituro sa publiko ang bagong disenyo ng barya.

Sagot ito ng ahensya matapos bumuhos ang mga reklamo dahil sa new generation coin series.

Normal lang umano ito lalo na kung may ipinapakilalang bago sa sistema at naiintindihan nila ito.

Tiwala ang BSP na hindi magtatagal ay masasanay na ang mga Pilipino sa mga bagong barya na nasa sirkulasyon.