BOC Chief Lapeña, posibleng pinagtatakpan lamang ang ‘incompetence’

(Eagle News) — Maaaring pinagtatakpan lamang umano ng Bureau of Customs (BOC) ang pagiging incompetent nito kasunod ng pagkakapuslit ng 6.8 billion pesos na halaga ng shabu sa bansa.

Ayon kay Senate Dangerous Drugs Committee Chairman Ping Lacson, hindi pa siya handa na paniwalaan na pinagtatakpan ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang isang sindikato ng droga.

Sinabi ito ni Lacson kasunod ng mga alegasyon sa pagitan ng mga opisyal ng BOC at mga grupo ng mga sindikato ng iligal na droga.

Noong Agosto, nasabat ang dalawang magnetic lifters na inabandona sa Manila International Container Terminal na naglalaman ng shabu, habang apat pang magnetic lifter ang natagpuan ng PDEA na dumating noong Hulyo.