Bob Arum, ayaw pagsabungin sina Manny Paquiao at Amir Khan

Ang top rank CEO na si Bob Arum ay mas nais umanong pagsabungin si Filipino boxing champion Manny Pacquiao at sina Terence Crawford o si Adrien Broner kaysa kay Amir Khan.

Ayon kay Arum, mas bebenta pa sina Crawford at Broner kaysa kay Khan.

Sa pahayag ni Arum, nasayang lamang ang oras ng fighting senator dahil sa naudlot na laban kay Khan na itinakdang magaganap sana sa April 22 o buwan ng Mayo sa Dubai.

Ito ay kinumpirma niya sa Los Angeles Times at sinabing hanggang ngayon ay wala pang maipakitang pera ang mga sinasabing investors mula sa UAE na magpopondo ng tatlumpu’t walong milyong dolyar ($38million) para sa nasabing laban.

Dahil sa nangyari, gagawin na lamang ang sunod na laban ni Pacquiao sa buwan ng Hunyo o Hulyo.