Blackwater Forward Bulawan pumanaw sa gitna ng ensayo

MANILA, Philippines (Eagle News) — Pumanaw na ang forward player ng Blackwater elite na si Gilbert Bulawan matapos itong matumba habang nag-eensayo.

Kinumpirma ni Team Owner Dioceldo Sy na bigla na lamang nag-collapse ang 6 foot 5 player mula sa Legazpi Albay sa kalagitnaan ng ensayo.

Napayakap pa ito sa kaniyang team mate na si Reil Cervantes bago tuluyang nahiga sa sahig.

Agad na tinakbo sa pagamutan pero naideklara ito na ‘dead on arrival’ dahil sa massive cardiac arrest.

Nagpaabot na ng pakikiramay si PBA Commissioner Chito Narvasa dahil sa pangyayari.

Unang na-draft si Bulawan sa Meralco Bolts noong 2011 bago nakalipat sa Barako Bull Energy.

May average ito na 2.5 points at 1.9 rebounds.