“Bilibid 19,” pinababalik na sa maximum security compound

(Eagle News) – Pinababalik na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa maximum security compound ng New Bilibid Prison ang tinaguriang Bilibid 19.

Ang Bilibid 19 ay ang mga inmate na nagdawit kay Sen. Leila de Lima sa kalakalan ng iligal na droga sa Bilibid.

Kasabay nito, sinabihan rin ni Aguirre ang Bureau of Corrections (BUCOR) na hingin muna ang kaniyang pahintulot sa tuwing maglilipat ang mga ito ng mga drug convict at high-profile inmates sa bilibid.

Agad aniyang iiral ang bagong kautusan na tatagal hanggang sa maglabas siya ng bagong kautusan kaugnay nito.

Dalawang linggo lang ang nakalipas mula nang ibunyag ni Aguirre na muling namamayagpag ang kalakalan ng iligal na droga sa Bilibid.

https://www.youtube.com/watch?v=iQC07fQW4eg&feature=youtu.be