Bilang ng mga pasaherong bumiyahe noong Dec. 31 tumaas – PCG

(Eagle News) — Nakapagtala ng mas mataas na bilang ng mga pasaherong bumiyahe noong Disyembre 31, 2018 ang Philippine Coast Guard kumpara noong nagdaang mga taon.

Sa datos ng PCG sa kanilang Oplan Ligtas Biyahe, noong Disyembre 31, 2018 nakapagtala ng 220,355 na outbound passengers sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa.

Mas mataas ito ng 8.25 percent kumpara sa naitalang bilang ng mga pasahero noong Disyembre 31. 2017.

Pinakamaraming bilang ng mga bumiyaheng pasahero ay sa mga pantalan sa Davao na umabot sa 43,861; sumunod ang Iloilo – 29,865; Cebu – 23,950; Northern Samar – 10,188 at Batangas – 9,292.