Benepisyaryo ng OWWA program para sa mga distressed OFW, tumaas ng 250% ngayong 2018

(Eagle News) — Nasa 35,000 hanggang 40,000 na distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakinabang sa ‘Balik Pilipinas, Balik Hanapbuhay’ program ng gobyerno ngayong taon.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), tumaas ito ng 250 percent mula sa naitalang 30,600 na distressed OFWs noong 2016 at 20,000 naman noong 2017.

Layunin ng naturang programa na mabigyan ng negosyo ang mga distressed OFW sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas, ang mga benepisaryo ay makatatanngap ng halagang 10,000 hanggang 20,000 pesos mula sa gobyerno.

Sa programang ito, tuturuan sila ng livelihood skills training, financial literacy at entrepreneurial development training upang hindi masayang at magamit sa negosyo ang perang ilalaan ng OWWA.