Bembol Roco at Irma Adlawan, best actor at best actress sa 2nd TOFARM film fest

Naging matagumpay ang awarding ceremony ng 2nd TOFARM film festival na isinagawa sa Makati Shang-rila.

Sa ginanap na awards night ng pangalawang TOFARM film festival, ipinakilala na ang mga nagwagi sa iba’t- ibang kategorya.

Tinanghal na best actor sina Bembol Roco ng “What Home Feels Like” at ang bagong aktor na si Roger Gonzales ng pelikulang “Kamunggai.”

Si Irma Adlawan naman ang nakakuha ng best actress award para sa pelikulang “What Home Feels Like.”