Bawas-singil sa kuryente, ipatutupad ngayong Hunyo

(Eagle News) – Magpapatupad ng mahigit pisong bawas sa kada kilowatt-hour ang Manila Electric Company ngayong buwan.

Sa abiso ng Meralco ay P1.43 per kilowatt-hour ang mababawas sa singil sa kuryente.

Kasama na umano rito ang average na P0.79 kada kilowatt hour na refund para sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto.

Dahil sa nasabing bawas sa singil, inaasahang aabot sa P286 ang mababawas sa bill ng mga kumokonsumo ng 200 kilowatt-hours.

P429 naman ang mababawas para sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt-hours, P572 sa mga kumokonsumo ng 400 kilowatt-hours, at P715 sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt-hours.