Bawas-presyo sa LPG, epektibo na ngayong araw

(Eagle News) – Nagpatupad na ng rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis simula ngayong Huwebes, February 1.

Ayon sa Petron, simula kaninang 12:01 AM, tinapyasan na nila ng Php 3.15 ang kada kilo ng gasul at fiesta gas prices.

Binawasan din ng Petron ang kanilang X-tend auto LPG ng Php 1.75 kada litro.

Sa anunsyo naman ng Solane at Phoenix LPG Philippines, kaparehong rollback din ang kanilang ipapatupad simula kaninang 8:00 ng umaga.

Ang rollback ay bunsod ng paggalaw ng contract price sa international market para sa buwan ng Pebrero.

 

https://www.youtube.com/watch?v=PL9QFvwc-yk&feature=youtu.be