Batangas, niyanig ng 5.4 magnitude na lindol

(Eagle News) — Niyanig ng 5.4 magnitude na lindol ang lalawigan ng Tingloy, Batangas kagabi. Ito ay naramdaman bandang 8:58 ng gabi kung saan naramdaman din ang pagyanig sa karatig lalawigan.

Ayon sa Philippine Institued of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang lindol ay may lalim na tatlong kilometro ang paggalaw at ang tectonic ang pinagmulan.