Barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo pinasinayaan sa Malinao, Aklan

MALINAO, Aklan (Eagle News) – Isa na namang maganda at bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan sa Barangay Bulabod, Malinao, Aklan noong Huwebes, Mayo 18.

Nagsagawa ng pagsamba ang mga kapatid sa pangunguna ni Kapatid na Manuel A. Nasol, Sr., District Minister ng Aklan kasabay ng pagpapasinaya sa nasabing bagong gusaling sambahan.

Dinaluhan ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo na mula pa iba’t- ibang bayan sa probinsiya ang unang pagsamba sa nasabing dako.

Labis naman ang kagalakan at pagpapasalamat ng mga miyembro ng INC sa nasabing barangay sa Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, kay kapatid na Eduardo V. Manalo, dahil napalapit na sa kanila ang dakong pagsasambahan.

Alan Gementiza – EBC Correspondent, Aklan