Bailey May, may 2nd single mula sa kanyang debut self-titled album

Sa kaniyang pagbisita sa Net 25 at Pinas FM 95.5 masayang ibinalita sa atin ni Bailey May ang kaniyang pangalawang single mula sa kaniyang debut self-titled album.

Mula sa pagiging isang internet sensation na gumagawa ng covers ng mga sikat na kanta, natupad na rin ang kanyang pangarap na maging isang ganap na recording artist.

Ang inspirational diva na si Jamie Rivera ang nagsilbing overall-album producer ng kanyang unang album.

Pagkatapos ng una niyang single na “Gusto Kita”, at ang himig handog P-Pop love song entry na “O Pag-ibig”, sa kasalukuyan ay ginagawa na ang music video ng kaniyang single na “Can You Be My Girl.”

May mensahe rin si Bailey sa kaniyang fans. Maging sa Pinas FM 95.5 . Ang radio station na nagpapatugtog ng isandaang porsiyentong pinoy music.