Bagong motorcycle noise regulation ordinance sa Valenzuela City, ipinatupad na

(Eagle News) — Mahigpit na ipinatutupad ng Valenzuela City ang bagong ordinansa na nagbabawal sa paggamit ng mga motorsiklo na sobrang ingay, sira o walang tambutso.

Sa report ng Eagle News Correspondent na si Joey Tagum, bunsod ito ng kabi-kabilang mga reklamong natatanggap ng mga taga Valenzuela lalo na sa gabi o sa oras ng kanilang pamamahinga.

Sa pamamagitan ng noise level test, nalalaman agad nila kung dapat ba o hindi na mapalitan ang tambutso ng mga mootrsiklo.

May parusa namang katapat ang mga hindi makakapasa sa noise level test, batay sa motorcycle noise regulation ordinance.