Bagong kapilya ng Iglesia ni Cristo sa San Pablo City, Laguna pinasinayaan

SAN PABLO CITY, Laguna (Eagle news) – Labis na ikinagalak ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ang pagpapasinaya ng bagong kapilya sa Barangay Del Remedio, San Pablo City, Laguna. Pinangunahan ito ni Bro. Homer A. Tiomico, District Supervising Minister ng Laguna South.

Dahil sa pagdami ng mga umaanib sa INC, ito na ang ikaanim na lokal na ibinukod galing sa lokal ng San Pablo mula noong taong 2014 .

Lubos naman na nagpapasalamat ang mga miyembro ng INC sa nasabing dako kay INC Executive Minister Bro. Eduardo V. Manalo dahil napagkalooban sila ng bagong kapilya.

 

Gina Tabieros – EBC Correspondent, San Pablo City, Laguna

_dsc9856