Bagong CCTV camera operating system ng MMDA, malaking tulong sa pagreponde sa lansangan

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Ipinamagmalaki ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang “Emergency and Rescue Response Center” na may mga high-end na CCTV camera na minonitor sa lahat ng major roads ng Metro Manila lalo na ang EDSA.

Mabilis na makikita ang mga mangyayaring aksidente kaya mas mabilis din silang makakapagresponde sa lansangan sa tulong ng mga bagong CCTV na ito.

Mecca Ela De Guzman – EBC Correspondent, Quezon City