Bagong “batmobile” na gagamitin sa pelikulang ‘The Batman’, pinasilip




Matapos ianunsyo na ang Twilight actor na si Robert Pattinson na ang bagong gaganap na Batman, ay inilabas naman ng direktor na si Matt Reeves sa kaniyang Twitter account ang larawan ng bagong batmobile na gagamitin sa pelikula.

Mixed emotion tuloy ang fans at sinabing best version ang itsura ng new batmobile.

Pinalitan ni Robert Pattinson ang aktor na si Ben Affleck na nag-retire na matapos ang “Batman versus Superman: Dawn of Justice” noong 2016 at “Justice League” noong 2017.