Bago at unang romantic drama series ng NET 25 ‘Ang Daigdig Ko’y ikaw’, mapapanood na sa Nobyembre

Ni Phoebe Publico
Eagle News Service

(Eagle News) — Inihahandog ng NET 25 ang kauna-unahang romantic drama series ‘Ang Daigdig Ko’y Ikaw’ na nakatakdang ipalabas sa Nobyembre.

Gagampanan ang dalawang lead roles nina Geoff Eigenmann at Ynna Asistio at ito rin ang kanilang unang pagtatambal on screen at sa telebisyon.

Kasama sa powerhouse cast nito sina Elizabeth Oropesa, Tanya Gomez, Richard Quan, AJ Muhlach, Anna Mabasa-Muhlach, Arielle Roces, Jiro Custodio, at marami pang iba.

Mula sa kuwento at panulat ni Bing Castro Villanueva at mula naman sa patnugot ng director at writer na si Nestor Malgapo, Jr.

Lubos ang pagpapasalamat nina Geoff at Ynna sa pagtitiwalang ito na ibinigay sa kanila ng Eagle Broadcasting Corporation (EBC) upang magbida sa kauna-unahang drama series na bubuuin ng himpilan.

Nasa location set na ang buong production at nagsimula na ang lockdown taping ng ‘Ang Daigdig Ko’y Ikaw’ habang sinusunod ang panuntunan ng pamahalaan ukol sa safety protocols.

Inaasahan na mapapanood ang pilot episode ng ‘Ang Daigdig Ko’y Ikaw’ dito sa NET 25 sa Nobyembre 14, 2020, sa mga sumusunod na airing schedules: Tuwing Sabado, 8:00 hanggang 9:00 ng gabi, habang ang replay naman ay tuwing araw ng Linggo 5:30 pm hanggang 6:30 ng gabi.

(Eagle News Service)