Azkals umangat ang ranking; Laban sa Thailand, pinaghahandaan

Muling umangat ang ranking ng Philippine National Football Team na Azkals habang nasa kasagsagan ng 2016 AFF Suzuki Cup Competition.
Mula sa dating ika-isang daan at dalawampu’t apat (124th) na pwesto ay nasa pang isang daan at labing pito (117th) na ito ngayon base na rin sa pinaka-huling world ranking na inilabas ng FIFA.
Batay sa ulat, isa umanong factor ng pag-angat muli ng pambansang koponan ay ang pag-kaka-panalo nito sa Kyrgyztan noong nakaraang buwan.
Kaugnay nito, kinakailangan namang manalo ng Azkals mamaya kontra sa Thailand upang maka-abanse sa semifinal round.