Australian Musical-Children Group na “Hi-5”, nasa Pilipinas para sa “House of Dreams” Show

Dumating kamakailan lamang ang Australian Musical-Children Group na “Hi-5”. Sa kanilang muling pagbisita, isa ang ating himpilan maging ang Pinas FM 95.5 sa kanilang pinuntahan at binisita.

Sa kanilang pansamantalang pananatili ay magkakaroon sila ng theater shows na pinamagatang “House of Dreams” na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa Resort World Manila sa December 18 hanggang December 21.