Asia concert tour ni Avril Lavigne, kanselado dahil sa pangamba ng COVID-19

(Eagle News) — Nagpasya nang kanselahin ang nakatakda sanang Manila concert ng Canadian-French singer-songwriter na si Avril Lavigne dahil sa coronavirus outbreak.

Sa social media ni Avril ay ikinalungkot nito ang kanselasyon ng kaniyang Asia tour kabilang na ang Pilipinas na nakatakda sana sa May 20, 2020.